Entry: The Fort Bus Aug 31, 2008



Matagal na naman akong nawala sa blog world. Syempre ala na ako sa bansang Vienna, pero di ko mapigilan ang sarili na magblog simula ng ma-alala ko ang saklap na nangyari sa akin sa loob ng “The Fort Bus”.

 

Pauwi na ako noon at kasama ko ang mabait naming Project Manager (sipsip ng konti), puno ang bus, aircon at masarap sa katawan ang lamig dahil tamang-tama lang, di gaya ng ibang bus na minsan eh halos magyelo ang kulangot mo sa lamig o di kaya eh pagpawisan ang gilagid mo sa sobrang init. Kaya very enjoyable ang ride ko sa bus, not after 10 minutes when this taeng-mama-na-utot-ng-utot let me smell what’s inside his taeng stomach. Natiis ko po yung dalawang beses kang magpakawala ng amoy ng kalikasan sa loob ng aircon na bus, pero yung pangatlong beses… aba naman.. feeling ata nya eh nasa loob lang sya ng CR at naka-upo sa trono na pedeng magpakawala ng amoy pangkalawakan!

 

Para sa mga gumagawa ng ganito, mga brad naman.. kung uutot kayo ng tatlong beses sa pagitan ng 15 minutes.. magpaalam naman kayo.. kawawa naman kami na nakiki-amoy lang. Eto yung bagay na namimiss ko sa Vienna, ang mga tao dun, nahihiyang gawin ang umutot sa loob ng enclosed place.. yun lang.. di talaga sila sana’y maligo (Will Smith experience comes to my mind again….)

 

Txt ng frend ng opism8 ko na finorward sa akin na excerpt ke Ginoong Bob Ong

Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisisihin ang sarili mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… Kung may pagkukulang syo ang magulang mo,  pede kang magrebelde… tumigil ka sa pag-aaral, mag-drugs ka,  magpakulay ng buhok sa kili-kili…. Sa banding huli, ikaw din ang biktima… Rebeldeng walang napatunayan at narating… Enjoy life… masyadong maganda ang buhay para sirain mo…

   1 comments

byter
September 1, 2008   07:39 PM PDT
 
ano ang magawa ng tao, kung di na talaga mapigilan ang kanyang nararamdaman? alam mo ba na ang utot at parang pagmamahal din na lalong umaalab habang pinipigilan? at atleast ang utot dumaan lang ang masamang hangin pero ang mga vienna sausage na di naliligo medyo matagalan na tiisan yun.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments