Entry: 6 Days To Go Aug 2, 2008



Oo ilang araw na lang at babalik na ako sa Pinas. Naisipan kong ilista ang pros and cons.

 

Pros

  • Makakapiling ko na sweetee ko at makakasama ko na sya madalas. Syempre pati na din si Mader at si pinsan.
  • Kakain kami ng eat-all-you-can tsaka sa Yoshinoya tsaka sa KFC tsaka sa Chowking tsaka sa…. Blah blah blah ..
  • DOTA na naman (balek sa adek na computer games) – pros nga ba ito?
  • May makaka-usap na din akong pinoy everyday!
  • Indi na German ang palabas sa TV at higit sa lahat nag-e-English na si Will Smith!
  • Mabaho na ulet utot ko. Di ko kasi maamoy dito, ewan ko ba…
  • Di na ako giginawin kapag bumaba ng 15 degrees ang temperature
  • Makakasimba ulet ako kasama si sweetee
  • Maririnig ko ulet ang nagsisigawang kapitbahay tuwing alas-10 ng gabi sa kanto namin.
  • Indi na ako mag-iisa pag uuwi galing opis.
  • Di na ako mukhang tanga na kinakausap ang mga higaan, upuan, kaldero, kutsara, tinidor at inidiro. Oo mahirap talaga pag ala maka-usap.
  • Pede na ko mag-text ng mag-text dahil piso lang ang isang send. At 8 pesos lang din ang calls.

Cons

  • Mamiss ko ang Frankfuter, sarap talaga
  • Ala ng magagandang views. Alang parliament, ala ng Schonbrunn Palace, Danube River, Belvedere Palace, naggagandahang Museums.. in short.. poor na ulet ako POOR!!!
  • Mamimiss ko ang libreng Apartment na may washing machine, malaking sala, malaking higaan, libreng kuryente at tubig kahit magdamag naka-on ang TV ayos lang.
  • Ala ng per diem! Maryosep!
  • Somehow mamimiss ko ang Boss kong pogi (Fafa talaga sya!). Naging maitim na din lang ako bakit di pa ako naging babae para matawag na “black beauty”.
  • Ala na akong masasabihan ng “Oh Pitasin!”.
  • Ayoko sa 14th floor ng Net2 Building! Ayoko sa masikip na upuan.

 

Aha! Not bad, mas madami pala Pros. Sige na nga gusto ko umuwi hehe. Tsaka item one pa lang Pros, panis na lahat ng Cons… Ahhhh nothing feels like home!!!!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments