This is my new blog. Blog ng isang mamang nagpapakadalubhasa sa larangan ng kompyuter at sa larangan ng pag-ibig. Iniluwal sa earth sa taong 1978, tama ka kaibigan, nakakatatlong dekada na ako sa mundo at hindi ako katulad ng iba na kelangan itago ang edad, wala akong asawa, walang anak, pero may dyordyus na gelpren, in shorts, 'taken'. Pwede kang mag-tag, at mag-iwan ng komento, pag maganda ang comment, approve ko sya pero kung hindi maganda comment mo, alangan namang i-approve ko di ba? Syempre reject ko yun, fair kasi akong tao. You may find this blog funny most of the times, sad, in and out of love, naughty, yucky or even brutal but that's just me. Some say, I'm too exposed.... but the thing is...i'm not, I still have some secrets buried within me...and I don't intend to write it here... I prefer to keep it. Iba ako sa personal sa totoo lang.. mas pogi daw ako (sabi ni inay)







   

Ang kalendaryong inyong nababanaag ay naglalaman ng mga bagay bagay tungkol sa akin. Nasusulat dyan ang ilang misteryong ng aking pagkatao.
<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30



KUMIKITANG KABUHAYAN

Make Money
Martial Arts
Med Transcriber

MGA SINALIHANG KULTO

Blog Forum
Pinoy Forum
Shukran
Ang Blogclub Namin!
Free File Hosting


BLOG NG MGA TSIKS

Abby
Airah
Amgine
Arglene
Blissfull Babe
Bluebberie
Blueberry010
China
Den
Edelweiss
Elvieness
Eunique
Fam
FG
Irynna
Jaja
Jho
Joni
Karen
Laureen
Malaine
Meyms
Mika
Nice
Pie
Qtie
Rachel
Racky
Riz
Romzkee
Shari
She
Skulgirltrx
Starrfish
Titser Kai
Unpretty-Gurl
Unpretty-Gurl II
Vemsan
WyRed
Yanyan
Yen

BLOG NG MAHILIG SA TSIKS
Alex
Altkey
Ang Koleksyon Ko!
Batjay
Cid
HBK-Jepoi
JCSantos
Kadyo
Ken
Laryuki
Marhgil
Seij
Wendell

Mga Anik-Anik
Karen's Karate Engine
Karen's Love Engine

EARN MONEY!!!




If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Jul 22, 2008
Vienna’s Heartrob meets Finland Poor People

Ala kasi akong maisip na magandang title kaya yan na lang siguro ang one of the best multimillion title sa entry ko today. Of course, ako yung heartrob at yung bisita ko noong sabado at linggo… sila… sila ang pur pipol na tinutukoy ko. Hangga’t nasa Vienna ako at nasa Finland sila. Mananatili silang pur sa paningin ko. Bwahahaha. Pero pag asa Pinas na siguro kami pare-pareho, and reality-punch-me-in-my-shiny-black-ass, ako na yung poor.

 

Heniwei, katulad ng sinabi ko, may mga bisita ako last weekend at masakit man aminin, oo na! It was one of the best weekend of my stay in Vienna, una.. nalibre ako sa Tower at pangalawa sila ang nagbayad ng 101EUR na pagkain namin.. hmn.. malamang kulang PHP10k yun nyahahahaha.. pero they will still remain poor in my eyes kasi nasa Vienna sila. Di ko ma-imagine na maiikot ko ang Vienna sa loob ng 1.5days! Di ko ma-imagine na kaya ko na palang maging tour guide sa Vienna samantalang tiga-South Cembo, Makati ako, na mas kabisado ko pa streets sa Vienna kesa sa streets ng Makati! Di ko ma-imagine na malalagay sa supot ng tinapa ang SLR ko! At di ko ma-imagine na meron akong picture na namamalimos sa Schonbrun Palace!

 

Gusto ko sanang mag-post ng sangkaderbang pektyur ngayon pero indi pala pwede sapagkat merong Lawson employee at Ex-Lawson Employee na nakaka-alam ng blog kong ito.. Kaya mananatiling sekreto muna ang pagkatao ng mga kasama ko last weekend. Kaya ako, si Fafa Jesus at si Sweetee lang muna ang nakaka-alam. Pansamantala, pagmasdan mabuti kung sino ang maitim na mamang tumabi sa akin sa pektyur na yan na nasa baba.

 

 

 

Kung mapapansin nyo, tumaba ako..  indi kami nagkakalayo sa laki ng katawan.. sa kutis.. taena mas maitim ako sa kanya.. He made me realize how important Chlorine is! Dito kasi alang chlorine ang tubig, natural sya mula sa Alps Mountain, araw-araw kang maliligo ng tubig na nakaka-itim at higit sa lahat iniinom mo pa! Kaya ako maitim sa loob at labas! Oh men, I LOVE CHLORINE!!! Namiss ko na lalo ang Pinas. Akala ko puputi ako dito, akala ko pag tumaba ako at mabanat ang skin ko eh puputi ako pero indi pala.. Ang pag-sisisi ay palaging nasa huli.. huli na ng malaman kong alang Chlorine ang tubig.

 

P.S. 23 Months na kami ni Sweetee, still growing strong as days passes us by. Batiin nyo kami, ang hindi bumati iitim katulad ko!

 

Sweetee, I love you!!!


Posted at 03:29 am by lukin
Comments (4)  

Jul 16, 2008
Oh Pitasin, Matsing, You Moron

Minsan nakakaloko ang salita ng mga german dito, kung malabo ang pandinig mo, or ma-mis-interpret mo sila, feeling mo eh inaalipusta ang pagkatao mo, lalo na ako kasi maitim ako eh.. tae kasi… di ko alam kung ano meron at nagustuhan ni mader ang lahing maiitim hehehe…

 

Heniwei, noong first 2 weeks ko dito, madalas ko madinig ang tatlong salita. Isa-isahin natin.

 

  • Oh Pitasin – auf wiedersehen (pronounced as “owf vee-der-zayn”). Ang ibig sabihin nyan eh paalam or goodbye. Madalas ko kasi marinig yan noon kaya nakiki-Oh Pitasin na din ako nyahahaha. Pero ngayon, ang yabang ko ng magbigkas ng “owf vee-der-zayn”. Eto ang isang bagay na kinagigiliwan ko dito dahil kahit indi ka kilala or indi mo kilala yung kasama mo sa elevator or kapitbahay eh magsasabi sila ng goodbye sa iyo basta maghihiwalay na kau. Pero minsan mas prefer ko pa din gamitin ang “Oh Pitasin” lalo na pag chicks yung kasama ko sa elevator nyahaha. (Ay.. nakalimutan ko.. “Be Good” nga pala yung sabi ni sweetee sa akin.. sorry po ha hehehe.)
  • You Moron – Gud Morgen (pronounced as “Gud-Morgon”), madalas mabilis nila binibigkas ito kaya nagiging “You” yung “Gud” at nawawala yung titik “G”. Tuwing umaga kasi eh binabate este binabati (sorry wrong sfelling) ako ng mga opismates ko ng magandang umaga. Ansaklap kasi para akong nasasabihan ng “You Moron” everyday, pero syempre.. being the polite and responsive guy that I am, I always return back the favor of greeting them the same hehehe.
  • Matsing – Mahlzeit (pronounced as “May-Tset”), noong una kapag kumakain ako feeling ko sinasabihan ako ng Matsing, eh taena dahil noong una akong nadinig yung word na yan eh binigyan ako ng saging ng kasama ko at saktong may dumaan na Fafa at sinabihan ako ng Matsing. Ampota.. nanliit ako at nalunok ko ng buo yung di ko pa nangunguyang saging. Ang ibig sabihin pala ng Mahlzeit sa kanila eh “enjoy”. Kaya ngayon kapag kumakain sila, sinasabihan ko na din sila ng matsing hehe.

Posted at 04:10 am by lukin
Make a comment  

Jul 11, 2008
The Place

Katulad ng nasabi ko, Dito sa Vienna, nakatira ako sa apartment at hindi sa Hotel. Mahal ang hotel dito. Ayon sa panot kong mentor na maganda ang mata, nuknukan daw ng mahal ang hotel, presyong ginto daw ang halaga ng iniipis na hotel, oo may ipis dito. Kaya sa apartment nila ako nilagay, mas sulet daw dito, indi presyong ginto at higit sa lahat alang ipis. Kaya eto araw-araw yan na inaakyat ko ang apat na palapag para lang maka-uwi. Ala kasi elevator o escalator o di kaya eh tali na hihilain ka na lang para maka-akyat sa gusto mong puntahan o di kaya eh sisipang kabayo sa itlog mo para matalon mo ang ika-apat na baitang ng apartment. Madali lang sana kasi 4th floor lang naman. Pero iba ang hagdan dito mataas na paikot! Kaya mahihilo ka at mapapagod.

 

Maalala ko tuloy noong unang dating ko, kasi sinundo ako ng Boss ko from the airport at hinatid sa apartment. At dala ko ang 24kilos kong maleta (oo, nag-exceed ako, tae 30EUR per kilo). Ang buong akala ko eh isang baitang lang ang aakyatin ko, aba lekat na yan at halos magsilabasan lahat ng ugat sa katawan ko kakabuhat ng maleta paakyat ng 4th floor, feeling ko eh nakunan lahat libag ko sa katawan. Buti na lang at naawa si Boss at initusan ko, este nagkusa pala sya na tulungan akong buhatin ang 24kilos kong maleta. Napahiya tuloy ako kasi ayaw kong patulong noong una..aba di ko naman akalain na magbubuhat pala ako ng 24kilos na maleta + 15 kilos na handcarry hanggang 4th floor.

 

May kalakihan din naman itong apartment na tinitirhan ko, kumpara dun sa bahay sa Maynila. Yun nga lang, mataas at medyo di maalis-alis yung amoy na naiwan ng mga naunang tumira dito, indi naman sya kasing-sama nung nakatabi ko sa sinehan noong nanood ako ng Hancock. Dalawa ang kwarto, kaya may bakanteng kwarto pa para sa isa, sakto yun sa mga bisita ko sa susunod na linggo, magsiksikan sila doon nyahahaha. Sa sahig na lang yung iba.


Posted at 03:56 am by lukin
Make a comment  

Jul 8, 2008
…And He Really Does Speak German

Naghanap ang lolo nyo last Saturday ng mall, at mabait si Fafa Jesus dahil may nag-iisang mall pala dito sa Vienna, located at street called “Kagran”. Madali lang syang hanapin. Meron din silang sinehan… at doon… doon muli kong nakita ang idol kong si Will Smith in his movie “Hancock”, mahal ang sinehan dito, 8.30EUR or PHP500+ ang isang palabas, plano ko sanang magback out pero sabi ko, “Will Smith to eh, Handcock pa yung movie, why not, 500+.. para ko na din kasama si Sweetee neto pag nanood kami sa GB3”.

 

Maganda ang sinehan, digital na din sya, mukhang may pagka-sosyal ang place, at higit sa lahat eh malaki ang upuan.. at kutson ang patungan ng kamay, sulet pala yung 8.30EUR na pinambayad ko, “Ah it feels lang home”, yun na lang ang nasabi ko. Hanggang sa dumating ang sandali ng aking pagsisisi…. nang magsalita na si Idol Will Smith… taena nagGERMAN! In a fuckin digital surround sound!!!!! Napanganga na lang ako eh. Pero natiis ko pa naman yun… maliban dun sa pagsisisi sa 8.30EUR in a German language...priceless sabi ko nga ke Olive (Ang opism8 ko dati na naka-diskubre ng aking blog). After 10 minutes.. may dalawang mag-jowa na tumabi sa akin.. syempre tumabi sa akin si lalake kasi nga ganun din ako pag kasama ko sweetee hehehe.. pero taena ulet dahil ambangis ng pabango ng katabi kong lalake. Matagal na ako sa Vienna (1 month na), pero ngayon pa lang nakasaksi ang aking ilong ng makamandag na amoy… at sa loob ng aircon na sinehan at higit sa lahat KATABI KO!!! Sana di na ako nanood sweetee..tae talaga.. makamandag pa sa tae ng kalabaw. Sumama loob ko dahil sa “Smith-Speaks-German” na palabas at pati bangs ng ilong ko nanakit din sa “My-Seatmate-Smells-Like-Tae-Ng-100-Mammals” na tumabi sa akin, “ambaho”.

 

Ngayon ko lang naranasan sa aking buhay na halos lahat ng tao sa loob ng sinehan eh tumatawa sa comedian actor na si Will Smith samantalang ako eh nakanganga lang… and effin wondering why they are laughing. Ang nakakahiya nyan, minsan delayed reaction ko dahil tsaka ko lang maintindihan pag nag-act na sya.. mukha akong tanga amfufu! “And doesn’t feel like home pala”, ramdam mo na ala ka sa Pinas, ramdam mo na mas magaling kang mag-English kesa sa kanila, ramdam mo na dapat may dala palaging alcohol!

 

P.S. After the movie, pumunta ako sa Stephen's Cathedral (Stephansdom), maganda sya.. as in!!! Yun nga lang nakadikit pa din sa akin ang bangis ng kili-kiling di nasabuyan ng tubig sa loob ng kung ilang buwan.

 

Pic Below : Ang ka-isa-isang dahilan kumbaket nagawa kong maligo agad pagdating sa apartment.


Posted at 03:44 am by lukin
Comments (3)  

Jul 6, 2008
Goten Tag (and they pronounced it as “U-Ten-Tak”)

How’s work? Yun yung tanong sa akin ng mga ka-awa-awang opismates kong naiwan sa Pinas hehehe. Well, mas nakaka-awa ako dito, maalam naman sila mag-English pero kadalasan eh di kami magkaintindihan. Kasi yung English nila, madalas merong “en” sa dulo o kaya eh “est”.

 

Madami din pala dito yung indi marunong mag-English. Katulad na lang sa may supermarket kung saan bumubili ako ng pagkain o kahit anong sa tingin ko eh indi mag-aaway ang big at small intestines ko, madalas kapag tinanong ko sila ng “how much?”, sumasagot sila ng mala-Alien na sagot, feeling ko nasa kalawakan ako, para bang malapit na malapit lang ako sa planetang Mars at puro Alien ang tao sa aking paligid. At syempre, taenangyan, para makaganti lang.. madalas ngayon kapag bumibili ako sa kanila, eto na madalas kong tinatanong na may ngiti sa labi, “Tae magkano to?”. So far nakangiti din naman syang sumasagot ng German at nagkakaintindihan din naman.


Posted at 04:20 am by lukin
Make a comment  

Jul 4, 2008
0.8 Kilos a Day

Noong unang dalawang linggo ko dito sa Europa. Isa sa mga problema ko dito maliban sa German na telebisyon eh yung pagkain. Feeling ko ay nangangayayat na ako at malamang pag-uwi ko eh nabawasan ako ng mga limang kilo. Which, onsekantot, very much very good sa akin sapagkat lalong gaganda ang katawan ko at siguro makakatulong na din yun para di mabilis malagas ang unti-unti kong napapanot na ulo (si tatay kasi, kung anu-ano ipinamamana sa akin, pede naman kasing perahin na lang at di ang pagkapanot).

 

Second problem ko, katulad ng pakingshet na internet, mahal din ang magpagupit ng buhok dito, tumataginting na 15-18EURO ang gupit, at hindi mo pa alam kung paano sila maggupit, baka biglang lamutakin ang ulo ko at magmukha akong Labrador na asong napapanot, kaya sa mga ganitong pagkakataon eh lalong napapamahal sa akin si Manong Barbero dyan sa Kalayaan street sa Makati, kasi 40 pesos lang at solve ka na at may libre ka pang masahe. Pagbalik ko ng Pinas, bibigyan ko sya ng tip na 100 pesoses pramis! Pareng Jun, pagbalik ko ng Pinas 100 pesos tip ko sau.

 

Pic Below : Dyan yung last station ng Tramway (Train) na kung saan bumababa ako patungo sa opis namin. “Praterstern” ang name nung lugar.

 

 

Pansin ko lang na parang nagiging photoblog na ang blog ko dahil sa sandamukal na pics na pinopost ko, onsekantot, alangan naman na magpost ako ng pics from Vienna pag asa Pinas na ako.. eh di ala ng sense.


Posted at 03:09 am by lukin
Make a comment  

Jul 1, 2008
FussBall

Alam nyo bang noong nakaraang buwan na dito sa Vienna eh madaming tao (sabi ng Pogi kong Boss), syempre naniniwala ako dahil sila ang host ng EURO 2008, unfortunately for them… tsugi agad sila sa Elimination noong nakasagupa nila ang Germany.

 

Ansarap sana magkukuha ng pics dahil andami talagang tao (mostly Turks and Polish and Croatians), yun nga lang nasabihan ako ng Boss ko na medyo ingat daw ako sa pagpektyur dahil nasa Fan Zone area ako, syempre mahirap naman makulong si Reloaded aka “Lukin” sa dayuhang bansa. Ayokong ma-front page sa dyaryong di ko maintindihan ang nakasulat.

 

Maybe after one or two weeks pa daw ako pede magpektyur pektyur pero konting ingat pa din daw dahil SLR nga kasi camera ko at baka mapagkamalang Mafia, baka matsugi ako ng ala sa oras hehehe. “Fussball” ang tawag o bigkas nila sa Football, o normally “Putbol” naman sa Pinoy Term. Madaming tao, sobrang adek mga fans dito, kung napanood nyo yung braveheart.. yung pipinturahan mo mukha mo na parang Indian… ganung ganon.. yung iba nga eh naka-costume pa at kung ano-anong kolorete ang nasa buhok.

 

Minsan lang mangyari sa akin ito kaya noong niyaya ako ni Bossing sa Fan Zone na yan (Finals Night). Indi na ako nagdalawang isip pa. 8:45pm mag-start ang laro. Pumunta kami ng 6pm para me maganda sanang pwesto pero to our surprise andami ng tao (Pic Below). Enihow, panalo naman ang Spain eh kaya VIVA ESPANYA.

 

LSS : Ole (4x) Viva Espanya!

LSS2 : My Toes My Knees My Shoulder My Head (Ang hirap mangulila taena!)

 

 

PS : Sana gumaling na mader ko. Sinumpong na naman arthritis, dapat nagdoktor na lang ako bwiset. Kumbaket sa exams lang kasi ako magaling mandoktor.


Posted at 05:34 am by lukin
Comment (1)  

Jun 29, 2008
CTRL + ALT + DEL

Eto ang problema ko ngayon, computer engineer ako, oo at kahit paano eh maalam ako magbasa at magkalikot ng mga bagay bagay na electronic. Pero pagdating sa mga bagay na ala kami sa bahay katulad ng heater, washing machine, dishwasher ng plato at high-tech na CR, siguradong bobo ako. Isa-isahin natin ah.

  1. Heater – Dahil sa malamig nga dito sa Austria, halos lahat, or lahat ng apartment dito ay may sari-sariling heater. Parang kabaliktaran lang sya ng aircon, ang problema indi sya katulad ng aircon controls, kaya malamang kung bumaba pa ng mga 10 degrees ang temperature dito, sisilaban ko na lang siguro yung kurtina at karpet sa apartment pampainit.
  2. Washing Machine – Muntik na akong mawalan ng brief na maisusuot dahil sa di ko alam paandarin ang washing machine. Isang pindot lang pala ito at sya na ang bahala. Parang sa bahay, isang bulyaw lang sa akin at lalabhan ko na yung maong ko na isang lingo ko ng ginagamit. Ang problema ko na lang eh ala atang dryer eto, o malamang meron pero di ko lang alam gamitin.
  3. Diswasher ng Plato – totally 0 knowledge ako dito, kaya dun ako sa native style, hugasan at tsaka banlawan.
  4. High Tech na CR – inabot ng 24 hours yung ebak ko noong nakaraan dahil hindi ko mahanap yung letseng flush. Kaya kung mapapansin nyo, “tae” ang expression ko lately.

 

Honga pala, niyaya ako ni Boss na manood ng football mamaya. Ayos! Viva Espanya!


Posted at 11:23 pm by lukin
Comments (3)  

Jun 25, 2008
I love to watch TV but it seems the TV doesn’t like Me

Tae! Sa mahigit 250+ channels dito sa telebisyon na gamit ko, 2-3 lang ang English, CNN, BBC at MTV lang tae! Lahat ng Hollywood movies at pati TV Series, naka-dubbed sa German, tae! Kahit pinoy na pato indi matutuwang tutunganga sa harapan ng telebisyon kung ganito.

 

Ang ganda sana ng palabas eh, Will Smith brad at Bad Boys ang movie… ang problema, napakagaling ni Will Smith mag-German, as in! Napanganga na lang ako ng marinig ko siya mag-german… Hindi talaga bagay sa kanya mag-German. Buti na lang talaga at naglagay ako ng Smallville at Prison Break dito sa laptop, at least meron ako 44 episodes na uubusin sa loob ng 2 buwan ko rito sa bansa ng Austria.

 

Masarap din sanang mamasyal, ang problema kung minsan, super lamig sa labas. Yung kulangot ko sa Pinas na sintigas ng bato eh lumalambot dito sa lamig, oo kadiri sya. Napaka-unpredictable ang weather kasi dito, kaya worth it yung excess baggage ko dahil sari-saring damit ang dala ko. Madalas dito, papasok ka ng umaga na makikita mo ang matinding sikat ng araw (28 degrees) pero pag pauwi ka ng mga bandang 6pm magugulat ka na lang at nasa 16 degrees na ang temperature.

 

Isang di ko malilimutan na experience ko dito eh last Saturday. May heater kasi dito sa loob ng apartment so definitely you don’t have much idea how hot or cold the temperature outside. At noong araw na yon naka-sando lang ako at shorts.. naisipan kong mamili ng malamig na coke (1.40EURO/can) sa labas dahil namimiss ko uminom ng coke. And to my surprise, halos lahat ng tao sa labas eh naka-jacket at ako lang ang naka-sando.

 

Gusto ko sana bumalik sa apartment para magpalit pero tinamad na ako dahil 4th floor yung lugar ko at hihingalin lang ako paakyat ulet. Kaya anu pa nga ba eh di akala mo kung sino akong init na init sa 16 degrees na naglalakad sa labas na naka-sando at shorts, at higit sa lahat eh may bitbit na nagyeyelong coke sa daan!!!

 

Lessons Learned : Wag pairalin ang katamaran o pride.

 

P.S. Namimiss ko na sweetee ko.. waaaaaaa!!!!!! Di bale 44 days na lang at uuwi na ako sa Pinas.

 

P.S. Ulet : eto ang nadiskubre ko lately, ang hotdog pag mas malaki at mataba mas masarap.. aha! Make sense!!!! Nyahahaha!!!

 


Posted at 03:57 am by lukin
Comment (1)  

Jun 22, 2008
Reloaded Sa 22nd Monthsary

Madaming naka-dikit na pics sa entry kong ito, and hopefully ma-load lahat sa mga nagviview especially ke sweetee.

 

It’s our 22nd monthsary today. Tae malongkot na masaya, malongkot dahil di ko kasama si sweetee pero masaya knowing we’re still very much happy and in good God’s hands.

 

Noong una gusto kong kumain sa isang mamahaling resto dito, like Japanese Reston at halos ayaw mo ng itae yung pagkain dahil presyong ginto (18EURO), pero naisipan kong dayuhin na lang ang Schönbrunn Palace. Indi naman ako naligaw pero… it really is a one hell of a good experience.

 

(1st Pic – Entrance)

Nagdala ako ng 50EURO just in case may entrance fee, but to my excitement, pinagpala talaga ako ni Papa Jesus dahil “FREE” sya. Entrance pa lang yan at mapapa-wow ka na.

 

(2nd Pic – Me and At The Entrance)

Yan ebidensya na nandyan ako, nag-eemote kasi di ko kasama sweetee ko.

 

(3rd Pic – Ako Ulet)

Mataba pa din pala ako inspite of the nakakasulasok na food dito.

 

 

(4th Pic – Naligaw Na)

In order to get to the palace dadaan ka dito, eh tae talaga dahil ala akong map na nabibili pala sa entrance, hula mode ako ngayon kung saan yung tamang way para sa Palace. At dahil 20mins walking mula sa entrance, tinamad ako bumalik, pinili ko si no.3, ala-Indiana Jones.

 

 

(5th Pic – Taena Tama Ba?)

Sa puntong ito, kinakabahan na ako nyahahaha, kasi nakaka-10 mins walking na ako eh di ko pa maaninag ni anino ng taeng palasyo.

 

 

(6th Pic – Oh Yeah)

After another 10mins of walking time. Oh yeah!!!!!!

 

 

(7th Pic – Sulit)

Wow! Parang malacanang hehehe

 

 

(8th Pic – Palace)

Paglingon ko sa likod, sa harap ng palasyo eh nakita ko ang isang pangitain sa malayo.. gaano kaya ito kalayo? Masubukan nga.

 

 

(9th Pic – Success Part)

Taena at 20 minutes walking din pala to, akala ko malapit lang… sa puntong ito.. naalala ko ang tubig. Wala akong dala!!!

 

 

(10th Pic – Taas)

Ayan sa taas na ako heheh.. one of the best shots I’ve made kaya nasulit yung pagpunta ko.. maliban sa taeng tubig na dapat pala nagbaon ako.

 

 

(11th and 12th Pic – Gardens)

Garden pa lang panalo na. Alang sinabi ang presyong ginto na Japanese food dito, at least makakatae ako ng maayos mamaya.. maliban sa pag-ihi dahil feeling ko, pati pantog ko natuyuan na!

 

 

 

(13th Pic – More Upstairs)

Mga 20-30 minutes mula sa kinaroroonan ko eh eto yung makikita. Syempre minsan minsan lang yan kaya kahit hingal na hingal sa pag-akyat at uhaw na uhaw sige pa din.

 

(14th, 15th and 16th Pic- Look Back)

Pic ng palace mula sa kinaroroonan ko, ampota anlayo nga.. at wala akong tubig!!!!!!

 

 

 

 

(17th Pic – Zoom)

Ni zoom ko yung camera para sa palace kaso may mga istorbong dumaan hehehe (sa totoo lang sila yung subjects nyahahaha)

 

(18th Pic – More Subjects)

Gusto ko din tong shot na to. Tumingin lang kasi sila.

 

 

(19th Pic and 20th Pic – Gabi Na)

Ayan at gabi ng makababa ako mula sa burol. At uhaw na uhaw!!!!

 

 

 

(21st Pic – Scrat)

Sweetee.. Ayan gift ko sau hehehe.. pamalit sa stuff toy.

 

(22nd Pic – Sweetee)

It has been a wonderful experience to be in this place.. but not that wonderful when you are far from the ones you love.

 

On my way down below, I can’t help myself but take a shot of this photo below, it reminds me of my sweetee and the love that we have. Words or actions may not be enough to describe it, but perhaps the picture might be able to help on defining such things that’s a heart and feelings can’t explain. Like I said, “masaya na malungkot”, she used to say, “God bless us both” and I know.. I really know He does.

 

 

 

Sweetee.. I’ll say it again and yep I will always do kahit mairita ka pa kakarinig at kakabasa, “I love you”. Thanks for being there always. Ingat ka po dyan ha.. happy 22nd!

 

 

P.S. Madarama yung last pic ko ah.. pero ok na yun kasi mas mura yung pic kesa sa LBC na bulaklak.. tsaka baka malanta hehehe… I love you poh. Hey.. gamitin mo yung sinabi ko sa phone ha… i-regards mo na lang ako sa kanila..

 

P.S. (Part 2) : At dahil sobrang uhaw ako, paglabas ko sa entrance, napabili ako ng ice cream on cone (3 EURO) at isang bote ng tubig (1.50 EURO), pede na din kesa matuyuan ako ng pantog.

Posted at 10:30 am by lukin
Comment (1)  

Previous Page Next Page