Ano bang meron ngayon? August 8, 2008 (888). Sabi ng mga Chinese swerte daw ang numerong ito. At sabi ko din kay sweetee na tumaya sya ng lotto at baka sakaling manalo kami at maranasan naming magkamal ng madaming salapi.
Ngayon kasi ang dating ko sa Pinas, which is 888. At hindi lang yan, dahil pasado alas-8 ng umaga din ang dating ko. Sa Aug 8 din ang Olympics sa China, feeling ko tuloy kasama ako sa mga manlalaro at nasa tabi ako ni Pacquiao na bitbit ang bandila ng Pilipinas. Kung bibilangin mo ang letrang bumubuo sa salitang “O-L-Y-M-P-I-C-S”, 8 din sya. Ganun din ang aking handle sa blog, 8 letters din “R-E-L-O-A-D-E-D”. At kahit yung dati kong handle, 8 din. Yung number apartment ko dito na libre, 143=8 din!
Ang galing talaga, biruin mo ngayon ko lang narelalize yun. Ang salitang “Ampogi ko” ay binubuo din ng 8 letters!
Syet! Mananalo talaga kami ni sweetee ng lotto, dapat yung 64 ang tayaan mo sweetee kasi 8*8 = 64, hehehehe… panis!