Last time I had a good talk with one of my opismates here in Vienna. Although most of the times eh indi pa din talaga kami magkatugma. Lalo na yung isa, bumanat kasi ng joke… at syempre dahil indi ko naintindihan, deadma lang ako..mga dalawang mahabang minuto din yun bago ko napansin na hinihintay nyang mag-react ako, buti na lang nag-explain yung isa kaya medyo delayed yung tawa ko bwahahaha. Naalala ko na naman si Will Smith…hmp!
Napag-usapan lang naman namin ang tungkol sa nakawan, kasi noong araw daw ang Poland eh nagnanakaw ng gulong ng kotse mula sa Vienna, sabi ko naman panis yan sa Pinas dahil sa amin kako, indi lang gulong ang uso mas malala pa dahil pati Bank Robbery eh usong uso, last year ata or this year lang kako may dalawang magkasunod na robbery at may casualties pa.
Sa pagkukwento kong yon eh napapa-iling sila, akala ko eh sobrang lala ng sitwasyon na yon para sa kanila pero binanatan ba naman ako ng, "Here in Vienna or I am unsure if it's Austria or just Vienna, we had 70-80 Bank Robbery reports in just one year". Taena! Ala yan sa lolo ko hehehe… Biruin mo mas malala pala dito, yun nga lang daw alang gaanong casualties, pera lang daw sadya ng mga magnanakaw. In fairness, me takot sila ke Papa Jesus, di gaya ng holdaper natin sa Pinas na kayang dumedo ng tao.
Minsan tuloy naiisip kong tama si Tito Batjay na dapat biglang magsabog ng bulalakaw ang kalangitan at tamaan ang mga buwaya sa Pinas, para maiwan lang ang katulad kong mabait at gwapo, at higit sa lahat may mala-anghel na kasintahan, tama ba sweetee?
Sa mga alang ginagawa.. magandang pampalipas oras.. CLICK ME
Posted at 02:10 am by lukin