OFW - Overseas Filipino in Wien (Vienna)
May nakilala akong nanay na nagtatrabaho bilang katulong dito, ako na ang kusang lumapit.. sabi ko “Nay, Pinoy po kau?”… at ayun nagka-kwentuhan na kami… Baby daw ang name nya hehehe.. nangingiti na lang ako at nakaka-ilang din palang tawaging “baby” ang isang 40+ anyos na nanay. Parang tinawag mong “totoy” o “boytoy” ang isang 40+ na manong!
Andami agad nyang kwento, mula sa nag-iisang suwail nyang anak hanggang sa ika-15 taon nya sa Europa. Feeling close agad sya sa akin hehehe.. pero naawa ako sa kanya kasi nga dun sa anak nya… ayoko na i-elaborate pa kasi personal yun eh.. taena kasi kabataan ngayon….(pero indi naman lahat)
Dumating yung isa pa nyang kasama.. tapos akala ko eh katulong din.. Eto usapan naming ng isa nyang kasama na bagong dating.
Reloaded : Kayo po? Kamusta naman amo nyo?
Net : Maayos naman, mabait naman…
Reloaded : Ah, mabuti kung ganun.. mahirap kasi maghanap ng amo na di kabaitan.
Net : Oo nga.
Reloaded : Eh all around din po ba kau? Naglalaba, alaga ng kids at linis ng haus?
Net : Eto nga pala calling card ko.
Reloaded : Aba may calling card ka? (nagulat ako.. pramis)
Pagtingin ko sa calling card nya… napahiya ako sa mga tanong ko.. akala ko kasi katulong din sya.. yun pala Operations and Finance Head ng Global Remittance sa Austria.. hehehe.. panay ang sorry ko hahahaha… taena.. di ko naman alam eh.. napasarap kasi kwentuhan namin ni nanay OFW. Well, hopefully.. mai-tour nila ako dun sa mga murang bilihin hehehe.
P.S. Sila ang dahilan kumbaket ako nakapunta sa Pinoy Community at sila din ang dahilan kumbaket katropa ko na si Sen. Gringo. At sila din ang dahilan kumbaket nakunan ko si Ratski ng close-up!


Posted at 02:53 am by lukin